ILOILO CITY – All set na ang Bombo Symphony Orchestra para sa grand performance night ng Bombo Music Festival bukas.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Dr. Gerardo Vincent Muyuela, dean ng Conservatory of Music ng University of San Agustin at ang musical director ng Bombo Music festival, sinabi nito na magiging engrande ang grand performance night ng 12 finalists.
Ito’y dahil sa bawat pag-awit ng mga performer, sasabayan ang mga ito ng mga instrumento ng Bombo Symphony Orchestra kagaya ng parang sa isang live concert.
Ang orchestra ay binubuo ng iba’t ibang mga instrument players na kinabibilangan ng string, percussion, brass at woodwind.
Mas maganda aniya kung symphony orchestra ang tutugtog upang madaling maka-adjust sa performers.
Mas magiging kaabang-abang din umano ang bawat performance na magpapakita ng kagalingan ng mga Pinoy sa paggawa ng original composition.
Ang grand perfomance night ng Bombo Music Festival na itinataguyod ng Department of Tourism ay matutunghayan na bukas ng gabi sa Rose Memorial Auditorium ng Central Philippine Univeristy.