<img height="1" width="1" style="display:none" src="https://www.facebook.com/tr?id=607491687857238&amp;ev=PageView&amp;noscript=1"> Angeline sa Quiapo Church wedding: 'Matagal ko nang pangarap'

Angeline sa pagpapakasal sa Quiapo Church: ‘Matagal ko nang pinapangarap’

Pauline del Rosario |April 28,2024
facebook
share this

Angeline sa pagpapakasal sa Quiapo Church: ‘Matagal ko nang pinapangarap’

Pauline del Rosario - April 28, 2024 - 11:35 AM

Angeline sa pagpapakasal sa Quiapo Church: 'Matagal ko nang pinapangarap'

PHOTO: Instagram/@loveangelinequinto

PARA kay Angeline Quinto, ang naging wedding niya sa non-showbiz partner na si Nonrev Daquina sa Quiapo Church ay isang dream come true.

Sa Instagram, muling nag-post si Angeline ng ilang moments mula sa kanyang special day.

Ipinakita niya ang ang wedding bouquet na may pendant ng yumao niyang adoptive mother na si Mama Bob.

May mga kuha rin ng litrato na naglalakad siya sa aisle at naghihintay sa gitna ang anak na si Sylvio upang i-escort siya papunta sa mister.

Bukod diyan, masaya ring ibinandera ng singer ang Filipino-themed photoshoot nilang mag-asawa na makikita ang isang ice cream cart, ang isang dosenang mga balloons at ang traditional jeepney.

Baka Bet Mo: Angeline umaming siya ang unang nag-‘I love you’ kay Nonrev Daquina: Tsaka, ayaw talaga sa kanya noon ng manager ko…

“Sa wakas… Natuloy ang pangarap,” caption niya sa IG, kalakip ang wedding date na “4.25.24.”

Nakalagay din ang titulo ng bago niyang kanta na “Salamat Ika’y Dumating” na ni-release kasabay ng kanyang kasal.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto)

Sa YouTube naman, ibinandera ni Angeline ang naging preparasyon bago ang wedding ceremony.

Ipinasilip din sa video ang kanilang vows, mga ganap sa reception at ang mga celebrities na dumalo sa kasal.

Ilan sa mga naging ninong at ninang ng bagong kasal ay sina Regine Velasquez, Zsa Zsa Padilla, Martin Nievera, Boy Abunda, Charo Santos-Concio, Vicki Belo, Manila Mayor Honey Lacuna at ang mga bossing ng ABS-CBN na sina Lauren Dyogi at Cory Vidanes.

Nagsilbi namang Man of Honor si Vice Ganda, ang Flower Girl ay si Sarah Geronimo at si Erik Santos naman ang Ring Bearer.

“Matagal ko nang pinapangarap na maikasal sa Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno at sa harap ng Mahal na Poong Nazareno, at laking pasasalamat ko sa Ama na nangyari na ito sa amin ng aking Babe Nonrev,” saad ng singer sa video post.

Dagdag pa niya, “Maraming maraming salamat sa mga dumalo sa pinakaespesyal na araw para sa amin! Mahal na mahal namin kayo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Taong 2022 nang ma-engage sina Angeline at Nonrev.

Sa parehong taon ay isinilang ni Angeline ang anak nila ng mister na si Sylvio.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending