<img height="1" width="1" style="display:none" src="https://www.facebook.com/tr?id=607491687857238&amp;ev=PageView&amp;noscript=1"> Fans nina Nora, Tirso, Bobot nagrambulan, nagpaluan ng silya

Fans nina Ate Guy, Tirso at Bobot nagrambulan, nagpaluan ng silya

Ervin Santiago |April 30,2024
facebook
share this

Fans nina Ate Guy, Tirso at Bobot nagrambulan, nagpaluan ng silya

Ervin Santiago - April 30, 2024 - 11:10 AM

Fans nina Ate Guy, Tirso at Bobot nagrambulan, nagpaluan ng silya

Tirso Cruz III, Nora Aunor at Edgar Mortiz

GRABE pala talaga ang mga fans noong kasagsagan ng kasikatan nina Nora Aunor, Tirso Cruz III at Edgar “Bobot” Mortiz, ilang dekada na ngayon ang nakararaan.

Nu’ng panahon talaga nila nagsimula ang mga loveteam sa local showbiz kung saan naglitawan at nag-aaway-away ang mga fandom ng mga sikat na artista.

Isa iyan sa mga naikuwento ng actor-singer na si Direk Bobot Mortiz sa unang guesting niya sa “Fast Talk with Boy Abunda” kahapon nang mapag-usapan nga ang love triangle nila noon nina Ate Guy at Tito Pip.

Baka Bet Mo: Boyet, Tirso, Bobot muling magsasama-sama sa Valentine concert makalipas ang 30 years; bakit si Lovi ang kinuhang guest?

Pagbabahagi ni Bobot, “Diyan ako nagsimula sa loveteam na ‘yan at nakita ko kung paano ‘yan nagsimula.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Edgar Mortiz (@direkbobot)


“Dati na naman sa showbiz may mga loveteam na pero sa tingin ko nagsimula ‘yang loveteam doon sa time namin,” sabi pa ng veteran actor at direktor.

Kinumpirma rin ni Direk Bobot na si Nora ang una niyang naging screen partner, “Ang una kong ka-loveteam ay si Ate Guy, si Nora Aunor. Kasi pareho kaming sumali sa Tawag Ng Tanghalan.

“So ang nauna sa akin si Ate Guy, pagkatapos ng year niya, sumali naman ako sa Tawag ng Tanghalan.

“Nandoon pa lang ako sa show, nilapitan na ako ni Tony Santos Sr. at sinabi niya sa akin, pagkatapos mo rito, ire-regular na kita.

Baka Bet Mo: Vice dedma sa ‘lipatan’ isyu, tumutok sa UAAP Cheerdance showdown: O, tahkayoooo! Kavogue ang FEU!

“Meron siyang show na parang daily show, ‘yung Oras ng Ligaya. Sabi niya, ‘Ilalagay na kita, ipa-partner kita kay Nora,’” rebelasyon pa niya.

Nilinaw naman niya na never niyang niligawan ang Superstar at National Artist at hindi rin daw sila nagkainlaban kahit pa naging magka-loveteam sila.

“Hindi kasi Kuya Boy medyo bata pa ako no’n e. Nag-loveteam kami pero siyempre mga bata pa kami hindi kami…parang laro-laro lang,” sey pa niya.

Hanggang sa nagkaroon sila ng ka-love-triangle ni Ate Guy sa pag-eksena ni Pip, “Nagsimula muna kami ni Ate Guy tapos pinasok ni Tony Santos si Tirso, naging love triangle kami. Dito nagsimula Kuya Boy ‘yung sinasabitan kami ng sampaguita.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Edgar Mortiz (@direkbobot)


Kasunod nito ang chika ni Direk Bobot tungkol sa nakakalokang rivalry ng mga fans nila ni Ate Guy at ni Tito Pip, “Observant ako Kuya Boy e. Nandoon ako sa booth, pinag-aagawan kasi kung Nora-Eddie Garcia ka, Guy and Pip ka, or Nora-Bobot ka.

“So, one time nasa likod ako ng control, sabi ni Tony Santos, ‘Camera 1 doon ka sa audience, shot-an mo ‘yung audience magpapaluan ng silya ‘yan.’

“Maya-maya nagpaluan ng silya ‘yung fans namin, nag-away. Tapos sabi ko, ‘Papano mo nalaman Direk?’ Sabi niya, ‘Inutos ko.’ So doon nagsimula ‘yung rivalry namin, ‘yung triangle,” aniya pa.

Nagkuwento rin si Direk Bobot tungkol sa love story nina Ate Guy at Tito Pip, “So sabi nga unahan kami ni Tirso na ligawan si Ate Guy e, ang nangyari nu’n Tito Boy, nagkainlaban sina Ate Guy at si Pip.

“So parang naalala ko Tito Boy gumawa pa kami ng pelikula, noong talagang sikat na sikat kaming tatlo kaya lang nagkainlaban na sila kaya sa kalagitnaan ng pelikula, tinawag na ako ng producer, tinanggal na ako,” ang tawa nang tawang pambubuking ni Direk Bobot.

At sa puntong ito, ipinanganak nga ang loveteam nila ni Vilma Santos, “May radio show kami no’n every Sunday. So, papasok na kami, nakita ko si Vilma, ume-exit. So nu’ng nakita ko si Vilma, sabi ko, ‘Ito ang gusto kong maka-partner.’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So ang ginawa ko nu’n kay Tita A, sabi ko, ‘Tita A, lapitan mo, sabihin mo gusto ko siyang maka-partner.’ So, doon nagsimula,” sabi pa ng veteran actor at direktor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending